Tuesday, November 10, 2009

Pwede ba kitang iuwi?

Sana'y magtagpo ang ating paningin
At bahala na ang tadhana
Kung saan hahantong 'yon.

Sana lang
'Di ka masyadong mabihag
ng mga ilaw na patay-sindi
O nang mga katawang
Sumasabay
Sa tiyempo ng bahay-musika (house music?! hehe)

'Di ko na matiis
Ang amoy ng lugar na ito.
Ang daming amoy-chico
At ako'y nangangamoy
sigarilyo na.

Kaya sige na,
lingon ka na
at nang magtagpo
na ang ating mga mata
At maiuwi na kita...

No comments:

Post a Comment